top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Masakit daw 'yun… KIM, AYAW NANG MAKISAWSAW SA BEA VS. JULIA DAHIL KAY GERALD

  • Vinia Vivar
  • Aug 18, 2019
  • 1 min read

AYAW nang makihalo pa ni Kim Chiu sa controversy nina Gerald An­derson, Julia Barretto at Bea Alonzo. In her recent interview with some members of the entertainment press ay natanong ang aktres kung ano ang masa­sabi niya tungkol sa issue ng tatlo at ma­ikli lang ang naging pahayag niya.

Wala, huwag na tayo sumali ru’n kasi lahat naman sila, (may) pinagdaraanan sila ngayon and siyempre, hindi biro ‘yun, masakit ‘yun. So, lahat sila, may pinag­daraanang pain, so respetuhin na lang natin ‘yung mga desisyon nila,” ani Kim.

Natanong din ang aktres tungkol sa pagba-back-out ni Erich Gonzales sa serye nila ni Xian Lim na Love Thy Woman at aminado siyang nalungkot.

Una, nalungkot, and hindi rin siya nakapagpaalam sa amin. Staff na lang ang nagsabi na wala na siya. So, hindi na rin namin… hindi ko na rin inano, kasi si­yem­pre, respeto na rin kung ‘yun ang gusto niyang mangyari or desisyon,” she said.

Hindi rin daw nila alam kung ano ba talaga ang nangyari at kung ano ang reason ni Erich sa pagri-resign.

May tsika nga kasing hindi nagustu­han ni Erich ang role niya sa serye na naging kontrabida siya, pero ayon kay Kim ay hindi niya alam ‘to.

Si Yam Concepcion ang pumalit kay Erich at ani Kim ay excited din siya to work with her dahil napanood niya ito sa Halik at sobrang intense raw ng aktres kaya feeling niya ay matsa-challenge siya rito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page