MANAGUELOD, NANGAKO NG 4 NA MEDALYA SA MUAY
- BULGAR

- Aug 18, 2019
- 1 min read

PAKAY ang apat na ginto ng Muay Thai Association of the Philippines (MAP) para makapag-ambag ng tagumpay sa Pilipinas sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa. Upang matupad ang hinahangad, iniisip na ng MAP ang “winning at least four of the nine gold medals” sa biennial competition na nakatakdang ganapin sa Nobyembre 30-Disyembre 11. “There’s no doubt, we will do well (in the SEA Games). Walang duda diyan na kaya natin,” sabi ni MAP secretary-general Pearl Managuelod sa ika-35 edisyon ng Usapang Sports forum na hatid ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. “Sigurado ako, we will have medals in all nine events in the SEA Games, pero sa gold, hindi ko masasabi,” sabi pa ni Managuelod, na pansamantalang namahinga sa pag-aaral ng Sports Psychology sa University of Ottawa sa Canada.
Hindi pinangalanan ni Managuelod ang ng muay thai athletes na sinasabing maghahatid ng gold medal para sa bansa. “Baka ma-scout tayo ng mga kalaban,” ani Managuelod. Kumpiyansa rin si Managuelod sa kinabukasan ng muay thai sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ng kanyang ama na si Ret. Gen. Lucas Managuelod. (MC)





Comments