top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

French fries, mashed potato, hash brown, potato chips etc... PAGKAIN NG PATATAS, NAKAKAANTOK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2019
  • 1 min read

KAWAY-kaway sa mga tropa nating estud­yante ri­yan. Totoong ma­sarap kumain ng snack, lalo na habang gumagawa ng thesis, research paper o kung ano pa mang kaila­ngang gawin sa esku­we­lahan.

Kung mahilig kayong ku­main ng patatas, mapa-baked potato man ‘yan, french fries, mashed potato, hash brown o potato chips, para sa ‘yo ‘to, lodi!

Knows ba ninyong ma­ling desisyon ang pag­kain ng patatas sa mga panahong kaila­ngang-kailangan mong maging alive, ener­ge­tic at gi­sing na gi­sing? Huh, bakit?

Ayon kay Ho­lis­tic Business and Nut­ritional Counselor Sarah Hines, dahil ma­taas ang gly­cemic index ng patatas, na­aapektuhan nito ang amino acid na sleep-inducing o ti­natawag na tryptophan sa brain.

Sey ng How to Grow Potatoes, ito ay punum­pu­no ng carbohydrates na ka­pag na-digest at na-meta­bolize sa katawan natin ay makararamdam tayo ng antok. Anila, sa loob lamang ng 20 minutes, ang carbohy­drates na kinain natin ay ku­makalat na sa ating blood­stream.

Gayunman, ang mabilis na pagkalat ng blood sugar ay magbu-boost ng energy sa loob lamang ng ilang minuto. Pag­katapos ng isang oras, ang blood sugar level ay magsisimula nang ma-stabilize, kaya sa puntong ito, mataas ang tsansa na makararamdam na tayo ng antok at pagkapagod.

Sa totoo lang, hindi ma­sama ang pag­kain ng pa­ta­tas o ang mga pagkaing sagana sa carbohydrates dahil sey ng experts, ito ay nakapagbu-boost din ng happiness, pero, mga lodi, ang payo ng reflexologist na si Helen Chin Lui, makabu­bu­ting iwa­san ang pagkain ng pa­tatas sa umaga hang­gang sa hapon at kung na­hihirapan tayong matulog sa gabi, pagkain lang ng patatas ang solusyon! Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page