Ate Girl, sapaw daw sa BF niyang si Ion sa It's Showtime… VICE SA KAMPO NI JACKIE: BINIGYAN NA N


HINDI napigilan ni Vice Ganda na mag-react matapos siyang sisihin ng mga fans ni Jackie Gonzaga dahil sa kakulangan daw nito ng “exposure” sa ongoing segment na Mr. Q and A sa nakaraang episode ng It’s Showtime nitong Biyernes (August 16).
Maraming nakapansin na kumokonti na raw ang exposure ni Jackie a.k.a. “Ate Girl” bilang tagahawak ng fish bowl na naglalaman ng mga tanong sa Mr. Q and A segment ng It’s Showtime.
Sey ng mga fans ni Ate Girl, mas pinagbubuhusan ng pansin ni Vice Ganda si Ion Perez, na nakilala bilang alalay ng gay host at usher ng mga contestants sa nakaraang Ms. Q and A contest.
Ang bagong segment na Mr. Q and A ay male version ng Miss Q and A (na si Juliana Parizcova ang winner), ang kilalang kompetisyon na tagisan ng isip para sa mga gays at transgender.
Dito sa Mr. Q and A, straight guys lang ang mga contestants.
Going back to Jackie, nu’ng unang araw ng Mr. Q and A last Friday, nagpalit ng roles sina Kuya Escort at Ate Girl. Si Ion ang tagahawak ng fish bowl habang si Jackie, na nakasuot ng pink gown, ang nagsilbing usherette ng mga contestants.
Tuloy, may ilang fans na nadismaya dahil nasayang daw ang magandang damit ni Jackie na maikli lang ang exposure sa segment.
Bunsod nito, ilang fans na nagkomento sa Twitter ang sinisisi si Vice sa kakulangan ng exposure ni Jackie.
Tweet ng isang supporter ni Jackie, “Sayang lang ang mga magandang outfits ni Ate Girl Jackie kung taga-HATID-SUNDO lang siya ng candidates [sad emoji].”
May isang netizen pa ang nagkomento na mas matimbang daw si “boyfie,” na ang tinutukoy ay si Ion na nali-link kay Vice.
Imbiyerna at hindi nagustuhan ng It’s Showtime main host ang akusasyon sa kanya.
Sey ni Vice sa kanyang tweet: “‘Yan ang hirap sa inyo! Binigyan na nga ng exposure ‘yung idolo n’yo, ‘di pa kayo makuntento!
“Aba, baka sa susunod, gusto n’yo nang siya ang gawing main host! Abusado!!!”
Hindi rin pinalampas ni Vice ang isang “fake fan” dahil sa tweet nitong nadismaya siya sa less exposure ni Jackie nitong Biyernes. Nasanay daw ang netizen na nakikitang si Jackie ang tagahawak ng fish bowl.
Dahil dito, pinayuhan ni Vice ang totoong supporters niya, ang Little Ponies, na huwag magpasimula ng away sa social media.
“Sa mga fans (?) ko na nagpapalaganap ng negativity sa Twitter, utang na loob, ‘wag n’yong gamitin ang larawan ko sa profile pic o header n’yo!!! Wala akong fans na nega! My LITTLE PONIES are fun and kind!!!”





Comments