top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Walang gustong magsakripisyo, trapik sa EDSA, forever na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2019
1 min read

"KALBARYO sa EDSA, hanggang kailan kaya?”

Agosto pa lang, pang-Christmas level na ang nararanasang trapik sa EDSA.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Au­thority (MMDA), mas mataas ng 601 percent ang volume ng trapiko sa EDSA kumpara sa kapasidad ng mga sasakyan, araw-araw.

Mas marami rin daw ang mahigit 380,000 mga sasakyang bumi­biyahe sa EDSA bawat araw gayung ang kaya lamang nito ay mahigit 50,000. Kung saan pinakamarami ang mga kotse na nasa 66% habang 22% ay mga motorsiklo at halos 4% ay mga bus.

Maaaring ito ang basehan kung bakit ipinanukala ang ‘bawal single sa EDSA’ o ‘yung mga sasakyan na driver lang ang sakay. Inihirit din na ipagbawal ang mga nakamotorsiklo na nasasangkot sa aksidente na nagiging sanhi rin ng trapik. Iginigiit din ang pagba-ban sa mga pro­vincial bus. Tipong kailangang may mawala para guminhawa. Ang tanong, may gusto bang magsakripisyo? Ako na kumportable sa kotse at hindi na kailangang pumila sa tren na palpak o makipagsiksikan sa bus na baka may holdaper pang kasakay? Ako na nakamotorsiklo na mas mabilis na nakakapagbiyahe? Ako na sumasakay sa provincial bus na hindi na kailangang magpalipat-lipat ‘pag pupunta ng Maynila?

Kung maayos, de-kalidad at ligtas lang sana ang ating mass transport system, malamang hindi tayo nagtatalo at nagdurusa sa EDSA.

Marahil, ‘yung iba — hindi lahat — imbes na magkotse o motor, sasakay na lang sa tren o bus, tipid na sa gas, mabilis din ang biyahe, nakapahinga pa sa pagda-drive. ‘Yun nga lang, kung safe at walang aberya sa biyahe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page