Super-alaga sa ex mo, Sharon… KRIS, FIRST DAY PA LANG, BINUSOG NA NG REGALO SI GABBY
- BULGAR

- Aug 17, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Photo: @concepciongabby
SA August 20 na ang first shooting day ni Kris Aquino sa MMFF entry na (K)Ampon kung saan makakatambal niya si Gabby Concepcion. Mauuna ang look test ni Kris bago ang kanyang shooting para makita kung ano ang babagay sa karakter niyang si Grace at kung bagay sa karakter ni Clark (Gabby).
Sabi pa ni Kris, kailangang matapos ang (K)Ampon dahil sa October 7, isa-submit na sa MMFF ang pelikula.
Dinalaw ni Kris si Gabby sa first shooting day ng aktor at marami siyang pasalubong dito. Ipinagmalaki ni Kris ang state-of-the-art equipment na ginagamit ng Quantum Films sa shooting ng movie na co-producer din siya.
Anyway, pinanood ni Kris ang Hello, Love, Goodbye at namaga ang mata niya sa kaiiyak sa isa raw sa pinakamagagandang pelikulang ginawa ng Star Cinema at ni Director Cathy Garcia-Molina. May mga eksena at lines sa movie na tumatak kay Kris at memoryado niya ito.
Pinuri rin ni Kris ang mahusay na acting nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at ikatutuwa ng huli ang sinabi ni Kris na “Alden, I’m a fan and I continue to be a fan,” at “More than five stars for me ang rating ng Hello, Love, Goodbye.”
Kaya nainis si Kris sa isa niyang basher na itinag si Atty. Gideon V. Peña at tinanong kung ang lawyer ba ang nagsabi sa TV host ng linyang, “I don’t plan to be your future, but I can be your now,” at kaya raw umiyak ang aktres sa HLG ay dahil doon.





Comments