top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Singer, nakipag-live-in daw sa kapwa singer… IBINULGAR NG PADIR: MORISSETTE, INIWAN ANG PAMILYA PARA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2019
2 min read

NAKAKALUNGKOT naman ang latest issue na pumutok sa showbiz. Ito ‘yung pagsasapubliko umano ng ama ng magaling na singer na si Morissette Amon ng sama ng loob sa kanyang anak dahil mas pinili raw nito ang boyfriend kesa sa pamilya.

Parang another case of Charice Pempengco-turned Jake Zyrus at Raquel Pempengco na tutol ang magulang sa karelasyon ng anak.

Sa Twitter kasi napiling ilabas ni Mr. Amay Amon ang mga hinanakit niya kay Morissette imbes na resol­bahin ang problema nilang mag-ama in private dahil nga sa sinasabing boyfriend ng singer na si Dave Lamar na naging contestant sa The Voice of the Philippines Season 1.

Base sa mga tweets ni Mr. Amon, pinalalabas nitong ‘lumayo’ at nakipag-live-in si Morissette sa BF at sumama pa raw ang singer sa Cebu nang magbakasyon doon si Dave.

Dahil nga sa mga pahiwatig ng ama ni Morissette na wala na sa poder niya ang singer na anak, may netizen tuloy ang nag-comment ng “Letting your family off just because of a dream and a guy? NO. Hindi naman nagkakaubusan ng pangarap at tamang taong mahalin. And the right person will never break your family just to have you.”

Ini-retweet ito ng ama ni Morissette kaya lalong tumibay ang paniniwala ng mga netizens na may matinding hidwaan ang mag-ama.

Actually, nu’ng February this year pa lang daw ay may mga tweets na si Mr. Amon na diumano, sinu­sulsulan ng hindi niya pinangalanang lalaki ang kanyang anak para umalis sa poder nila at sumama rito.

As of this writing, wala pang binibitawang pahayag si Morissette at maging ang sinasabing boyfriend niyang si Dave Lamar kaugnay ng mga inilabas sa Twitter ng kanyang ama.

Pero nakumpirmang may alitan nga ang mag-ama dahil sa naging pakiusap sa Twitter ng anak ni Mr. Gary Valenciano na si Paolo Valenciano (friend ni Morissette) sa ama ng singer na sana ay hindi na idinaan sa socmed ang dapat ay pampamilyang issue.

Isa si Morissette sa mga hinahangaang singers ngayon at sa totoo lang, bukod sa kanyang pagbirit, maraming kabataan ang umiidolo sa kanya dahil sa pagiging ‘wholesome’ ng image niya na tulad din ni Sarah Geronimo.

Kaya naman nalulungkot kami na may mga ganitong isyung lumalabas tungkol sa kanya ngayon kung saan mismong magulang pa niya ang mukhang sisira sa kanyang magandang career.

Sana nga’y maayos na lang ito ni Morissette nang tahimik. At kung totoong hindi tanggap ng parents niya ang boyfriend niya, siguro’y dapat mag-effort at patunayan ng guy na karapat-dapat siya sa singer, hindi ‘yung nagpapatutsada pa raw ito sa socmed bilang sagot sa pag-ayaw sa kanya ng ama ni Morissette.

Hay!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page