Kelot dedbol sa rambol
ISABELA— Namatay matapos masaksak ang isang lalaki sa naganap na rambulan ng dalawang grupo ng kalalakihan kamakalawa sa Bgy. San Fermin, Cauayan City.
Kinilala ang biktima na si Revin Maloloyon, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakarambulan ng grupo ni Maloloyon ang isang grupo ng kalalakihan sa harap ng beerhouse sa lungsod at dito nasaksak ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Maloloyon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para madakip ang sumaksak at nakapatay sa biktima.





Comments