'Di nakatiis, nagpakatotoo na… MAJA, UMAMIN KUNG BAKIT NAUDLOT ANG KASAL SA NEGOSYANTENG BF
- BULGAR

- Aug 17, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

HALATANG-HALATA ngayon ang makulay na love life ni Maja Salvador dahil nagkabalikan sila ng dati niyang businessman boyfriend na si Rambo Nuñez after 9 years.
Very open din ang dalawa sa pagpo-post ng mga litrato na mula sa pagbabakasyon nila sa iba’t ibang bansa na kanilang binibisita.
Dahil dito, napabalita na diumano’y patagong ikinasal na ang Dance Princess na gumaganap bilang si Camila dela Torre sa The Killer Bride.
Tinawanan lang ni Maja ang espekulasyon ng ilang fans dahil ang pagpapakasal daw ay kasama sa pinirmahan niyang kontrata sa ABS-CBN Network.
Nagbiro rin ang aktres na magpapakasal na dapat siya ngunit hindi natuloy dahil naging “Killer Bride” siya.
Aniya, “Eh, di wow! Kayo na! Pa’no? Eh, di nademanda ako ng [ABS-CBN]. Hindi pa…”
Dagdag pa niya, “Dapat, pero hindi natuloy, kasi naging ‘Killer Bride’ ako.”





Comments