top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Busy mag-shopping kasama ang 3 pang anak.. Beybi nakalimutan sa kotse, mommy kulong

  • Jersey Sanchez
  • Aug 17, 2019
  • 1 min read

Arestado ng Arizona Police ang isang ina matapos iwanan sa loob ng mainit na sasakyan ang anak.

Alas-4:22 ng hapon nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa sanggol na umiiyak at pawis na pawis sa loob ng naka-locked na kotse.

Base sa direktiba ng 911 dispatcher, binasag ng caller ang bintana ng kotse para mailigtas ang sanggol at agad ibinigay sa mga awtoridad ang bata at nabatid na may high blood pressure ito.

Ayon sa mga awtoridad, busy ang nanay ng sanggol sa pagsa-shopping sa mall at nang nalaman nito ang sinapit ng sanggol, mabilis itong tumakbo palabas at iniwan ang tatlo pang anak.

Sa salaysay ng ina sa mga pulis, nakalimutan nito ang sanggol sa kotse dahil distracted ito sa tatlo pang anak na nagmamadaling pumasok sa mall para bumili ng laruan.

Dagdag pa ng mga awtoridad, umabot ng 18 minuto ang bata sa sasakyan habang naka-park ito sa tirik na araw.

Kaagad na itinurnover ng Arizona Police ang apat na bata sa kanilang ama habang nakakulong sa Maricopa County Jail ang ina.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page