top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bahay niratrat, magsasaka patay

Pabs Hernandez III
Aug 17, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Patay ang isang magsasaka at sugatan naman ang nakababata nitong kapatid nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit.

Kinilala ang nasawi na si Steve, 27-anyos, samantalang, ang sugatan ay ang nakababata nitong kapatid na si Jake Delamide, 25, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ng mga suspek ang bahay ng magkapatid na Delamide habang nasa loob sila nito na nagresulta sa pagkamatay ni Steve, habang sugatan si Jake.

Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa bahay ng mga biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page