top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babaeng na-trauma nang magmahal ulit pagkagaling sa tibo

  • ROMA AMOR
  • Aug 17, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Elsa ang pangalan ko at 35 taong gulang. Mula nang maghiwalay kami ng kinakasama kong tibo ay natakot na akong magmahal muli. Pero, palagi akong sina­sabihan ng mama ko at mga ka­patid ko na mag­hanap daw ako ng maka­ka­tuwang sa buhay. Sa ngayon, wala sa isip ko ‘yung ganu’n kaya nagu­guluhan ako dahil may punto rin naman sila. Sa tingin ninyo, da­pat ko bang sundin ang mga mahal ko sa buhay? — Elsa

Elsa,

Madali lang ang problema mo, sis, dahil tanging desisyon mo lang naman ang kaila­ngan diyan. Dahil nasa tamang edad ka na, hindi mo na kailangang sun­din ang sasabihin ng ibang tao, lalo na kung hindi naman bukal sa iyong kalooban. Baga­ma’t, nag-aalala ang ma­ma at mga kapatid mo sa iyo, dapat din nilang ikon­sidera ang nararam­daman mo, gayundin, ang pinagdaanan mo sa dati mong relasyon. Sa totoo lang, ikaw ang ta­nging ma­kasasagot sa proble­ma mo. Ngayon pa lang ay magdesisyon ka na! Kaya mo ‘yan, aja!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page