3 pulis sapol sa pamamaril
PANIBAGONG insidente ng pamamaril ang naganap sa Amerika.
Sa pahayag ng Philadelphia Police, naganap ito sa residential area sa North Philly.
Ayon kay Eric Gripp, tagapagsalita ng Philadelphia Police, tatlong pulis ang nasugatan sa insidente kung saan pagkatapos nito, agad nagpatupad ng lockdown sa kalapit na Temple University.
Sa pahayag ng paaralan, naganap ang pamamaril malapit sa kanilang Health Sciences Center Campus kaya pinaiiwas muna ang mga estudyante at publiko sa lugar.





Comments