Sikatan pa kaya ng araw ang career? AKTOR NA NAWALA SA PUWESTO SA GOBYERNO, NANULOT NG PROJECT, BAG
BLIND ITEM:
DISAPPOINTED ang talent coordinator (TC) sa isang aktor na nanulot ng project niya sa isang baguhang producer.
Inatasan kasi ang TC na mag-negotiate sa mga sikat at batang male stars na magbibida sa ipo-produce nilang movie.
Supposedly, magmi-meeting pa lang si TC kasama ang producer ng film sa manager at artist na kukunin nila for the project. Pero ipina-cancel din agad ni produ ang meeting dahil may nakuha na raw silang magbibida sa movie.
Si aktor na raw ang bida at siya na rin ang magdi-direk ng movie. Ang nakakalurkey pa nito, bagsak-presyo raw ang hininging talent fee ni aktor sa produ, at package deal na bilang actor and director, huh?
Obviously, need na need ni aktor ang magka-project. Wala na kasi siya sa dati niyang government post at wala ring TV projects. May isinu-shooting daw na isang movie ang aktor pero ang tsika, ‘di na raw niya tinapos ang proyekto.
Naku, ‘wag naman sanang ibitin din ni aktor ang bagong project niya. Or else, wala na talagang magtitiwala sa kanya na producer.
Well...





Comments