Bigtime tulak huli sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Aug 16, 2019
- 1 min read
CEBU CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Kalunasan.
Ang suspek ay kinilalang si Raffy Abaya, nakatira sa Bgy. San Miguel.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 200 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Abaya na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments