top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Nanay na 10 taon nang patay, nagpakita sa panaginip para sa mensahe

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 15, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jo Anne ng Jo_Anne_Bodegon@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako tungkol sa kapatid ko, nagla­lakad siya habang may pasan-pasang TV.

Tapos, nu’ng paalis na siya ay biglang nagsalita ang mommy namin at ang sabi niya ay birthday bukas ni Kupeng.

Nakapagtataka dahil tapos na ang birthday ng kapatid ko, gayundin, sampung taon nang patay ang mommy namin na may birthday na August 10.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Jo Anne

Sa iyo Jo Anne,

Alam mo, iha, ang mga anak ay nagmula mismo sa kanilang ina, kaya ang magkakapatid ay iisa lang, ito ang hiwaga ng buhay. Kaya ang salitang “kapatid” ay kapatid sa pusod dahil ang pusod mo ay karugtong sa pusod ng iyong kapatid.

Mahirap maunawaan, pero ito ang katotohanan.

Sa teolohiya, ang kasalanan ng unang tao ay kasa­lanan din natin kaya bago mailigtas, kailangan nating magsisi at humingi ng kapatawaran. Ang tawag dito ay “original sin.”

Siyempre, pagsisimulan ito ng walang katapusang debate, pero para sa mga Kristiyano, ito ang nasa mismong kamatayan ni Lord Jesus Christ na ang sabi, darating ang kaligtasan at ito ay ang pagkapako Niya sa krus. Sa pangyayaring ‘yun, nailigtas Niya ang lahat ng tao.

Ang sabi ng panaginip, dumating na ang birthday ng kapatid mo, pero ang totoong may birthday ay ang nanay ninyo. Sa biglang tingin, tunay ngang naka­pagtataka, pero simple lang ang mensahe, ito ay ang salitang “you need to celebrate life”.

Ang mensahe ng nanay ninyo ay magsaya kayo. Sa pagsasaya, gumaganda ang buhay ng tao. Ang totoo nga, kahit maraming problema, kapag ang tao ay masaya, gumagaan ang lahat ng bagay.

May dahilan ang mga panaginip at ang lihim na dahilan kung bakit ito ay napananaginipan ay dahil ang inyong pamilya ay nabubuhay sa lihim na lungkot at ang mga suliranin ay pabigat nang pabigat, kaya palagi mong tatandaan na gumagaan ang buhay kapag ang tao ay nagsasaya.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page