Nagluto gamit ang portable stove, iniwan sa parking lot | VAN NG PINOY NASUNOG, EDAD 6 AT 9 NADALE
- Jersey Sanchez
- Aug 15, 2019
- 1 min read
DINAKIP ang 70-anyos na Filipino senior citizen makaraang masawi ang isang bata nang masunog ang van na pag-aari ng Pinoy sa Minnessota, USA.
Nabatid na natupok ang van habang nakaparada at nadamay ang katabing sasakyan kung saan natutulog ang magkapatid.
Nasawi ang 6-anyos habang nasa kritikal na kondisyon ang kapatid na edad 9.
Kasong manslaughter ang kinahaharap ng Pinoy na si Robert Lino Hipolito dahil sa insidente.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakaparada ang van sa mall kung saan nagluluto si Hipolito sa van gamit ang portable stove at lumabas ito dahil may kailangan siyang bilhin sa mall.
Doon na sumiklab ang apoy mula sa portable stove.
Ayon sa mga awtoridad, iniwan ang mga bata sa sasakyan dahil may binili ang kanilang ama sa mall.
Nag-overnight umano ang van sa parking lot ng mall kung saan doon natulog si Hipolito at kanyang misis.





Comments