top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Motorboat tumaob 3 BATA NALUNOD, PATAY

Jersey Sanchez
Aug 15, 2019
1 min read

NALUNOD ang tatlong bata sa Normandy Coast sa France matapos mapataob ng malakas na alon ang sinasakyang motorboat.

Malakas ang hangin nang maglayag ang motorboat sa Agon-Coutainville Beach.

Ayon sa mga awtoridad, agad dumating ang rescuers sa lugar para rumesponde ngunit, na-trap sa cabin ang tatlong bata na nasa edad pito, siyam at 13 dahilan para hindi mailigtas ang mga ito.

Pabalik na umano sila sa dalampasigan ngunit, naging mabilis ang mga pangyayari, ayon sa ina ng dalawa sa mga nasawi.

Sinubukan pa umano ng tatay ng mga bata na basagin ang bintana ng cabin ngunit, nabigo ito.

Ayon sa rescuers, maliit ang bangka para maglayag sa maalong dagat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page