SALVAGE VICTIM, NATAGPUAN
Pabs Hernandez III
Aug 14, 2019
1 min read
CEBU—Isang hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Dawis Norte, Carmen.
Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng edad 28-30 at katamtaman ang pangangatawan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng bala at nakatali ang mga kamay at paa.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan sa biktima at pagkatao ng mga salarin.





Comments