Hindi lang para sa fashion, sis! MAGNETIC BRACELET, KERING MAKAPAGPA-RELAX!
- BULGAR

- Aug 14, 2019
- 1 min read

LAHAT ng tao ay conscious pagdating sa isinusuot na damit, burloloy, sapatos at iba pa. Pero, alam n’yo ba na hindi lang para sa fashion ang pagsusuot ng magnetic bracelet dahil good din ito sa health? Wow!
Ayon sa mga siyentipiko, ang pagsusuot ng magnetic bracelet ay may iba’t ibang health benefits na naibibigay sa ating katawan.
Una, may kakayahan itong i-improve ang sirkulasyon ng ating dugo dahil nahahatak ng magnet ang iron na mayroon ang ating dugo.
Pangalawa, kaya nitong i-reduce ang inflammation na mula sa mga impeksiyon na may kaugnayan din sa ating dugo.
Gayunman, maging ang ating pagtulog ay magiging mahimbing dahil ang magnet ay nakai-increase ng melatonin production na dahilan kaya tayo inaantok.
Kaya mainam talaga ito para sa mga beshy natin na may insomnia o iba pang sleeping disorder.
Samantala, ang magnetic bracelet ay nakare-reduce ng lactic acid at calcium na may masakit na epekto sa joints at iba pang parte ng katawan.
Gayundin, kung negatron kayo, bagay sa inyo ang pagsusuot nito dahil sa siyensiya dahil pinaniniwalaang ang pagsusuot ng magnetic bracelet ay nakapagbibigay ng positibong enerhiya sa tao.
Kaya kung ang problema ninyo ay pagtulog at pananakit ng kasu-kasuan, alam n’yo na, ha?
Be aware sa mga bagay na isinusuot natin dahil baka ito na pala ang kasagutan sa mga iniinda nating sakit.
Okay?





Comments