Gay host, niyaya na raw ng kasal, idinaan sa socmed… ION KAY VICE: SAY YES, PLEASE?!
- BULGAR

- Aug 14, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAINTRIGA ang mga netizens sa post ni Kuya Escort Ion Perez na “SAY YES, please,” kung saan itinag niya ang rumored karelasyon niyang si Vice Ganda wearing a coat.
Espekulasyon ng mga netizens, baka nagpo-propose na si Ion kay Vice. Maging ang mga kaibigan ni Vice, tuwang-tuwa at nag-upload din ng mga taong ikakasal.
Eto ang komento ng mga netizens para sa celebrity couple.
“‘Kakakilig! Sana kasalan na hayyyyssss... Kilig much!”
“Kung saan kayo masaya, masaya rin kaming sumusubaybay sa paglakbay patungo sa magandang kinabukasan ninyong dalawa.”
“Yes! Congrats sa inyong dalawa.”
Ang mga kaibigan at fans ni Vice ay masaya para sa Unkabogable Phenomenal Star dahil natagpuan na raw nito ang taong tunay na magmamahal sa kanya.
“Sa tingin ko naman, seryoso talaga si Ion kay Meme. Ang sarap sa feeling na masaya na ang isang Vice.”
“Choice nilang maging happy with each other, so let them be.”





Comments