top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babu raw muna sa showbiz… AI AI, SA NOVEMBER, 2020 GUSTONG MANGANAK

  • Vinia Vivar
  • Aug 14, 2019
  • 1 min read

Photo : @marieltpadilla

GUSTONG manganak ni Ai Ai delas Alas sa November next year kaya naman pinaplano na niyang mamahinga muna sa show business.

“Kaya rin ako naghahabol ng mga ginagawa ko, lahat, tinatapos ko, kasi next year, magpapahinga ako. Kasi ‘di ba, magbe-baby kami ni Gerald (Sibayan, her husband).

“So, ‘yun ‘yung reason bakit aligaga ako ngayong taong ito na tapusin lahat. Kasi next year, magbabakasyon talaga ako para asikasuhin ‘yung pamilya ko, para kumpleto kami ni Gerald,” pahayag ni Ai Ai sa press­con ng bago niyang comedy film na And Ai, Thank You.

Kaya kahit kandidata siya sa mga artistang napipisil na gawin ang life story ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ani Ai Ai ay tatanggihan na lang muna niya ito.

Mas bagay kay Ate Vi (Vilma Santos) or kay Judy Ann (Santos). So, I think, huwag na lang muna ako roon, pass na lang ako. Manonood na lang ako ng movie ni Mother Lily tungkol sa kanya.

“Talaga dapat, January ako mag­pa­pa­hinga, eh. Kasi, para manganak ako by No­vember, para 2020 din, kung ipagkakaloob ng Diyos.

“Pero sabi ko, kailangan ko munang may tapusin, so by August na. So, next year na ako manganganak. So, walang pahinga rin, konti lang,” sey pa niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page