P1 milyon, tulong ng PCSO sa mga nasalanta ng bagyo sa ilocos Sur
- Thea Janica Teh
- Aug 13, 2019
- 1 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Maraming pamilya ang nasalanta noon ng Bagyong Luis kaya naman minabuti ng Philippine Charity Sweepstakes Office na tumulong sa mga naapektuhan sa Ilocos Sur.
Kamakailan lamang ay nagbigay ng Php1 milyon ang PCSO sa Ilocos Sur. Ito ay kasama sa programa ng PCSO na Calamity Assistance Program na bigyan ng sapat na tulong ang mga pamilyang apektado ng natural at man-made calamities.
Ito ay pinangunahan nina PCSO Consultant for Charity Marie Louise U. Serojales, PCSO General Manager Royina M. Garma, Provincial Governor of Ilocos Sur Ryan Luis Singson, PCSO Social Worker Elizabeth G. Posadas at Provincial Local Revenue Collection Officer Lorna Luczon.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments