Magsimulang muli Ni: Ronalyn Seminiano Reonico


Malalim na paghinga sa harap ng salamin musika’y daan upang sarili’y libangin.
Halos labing-siyam na taon na’ng nakalipas.
Nang puso’y pinuno ng kamuhiang walang lunas.
Iniisip na ang pagmamahal ay kasinungalingan.
Pagkadurog at pagkasira ang tanging dulot nito.
Habambuhay na kaligayahang ipinangako,
lahat ng salita ay kalokohang mapapako.
Ngunit, lahat ay nagbago sa loob ng kapetirya.
Kung saan tila tayo’y pinagtagpo at nagkakilala.
Bawat nalalapit na panahon ng kapaskuhan,
ganitong pakiramdam ang siyang kahilingan.
Bawat salita, ngiti, pagtawa’t paghalakhak, parang ibinabalik ang munting bulaklak.
Sa panahon ng tagsibol at pamumukadkad,
nais simulang muli ang buhay sa unang taludtod.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments