top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kaya natukso kay Julia… GERALD, NA-PRESSURE NA PAKASALAN AGAD SI BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2019
1 min read

HOPELESS case na nga ba ang paghihi­walay nina Bea Alonzo at Gerald Ander­son? Final verdict na ba ang ibinigay ni Bea sa playboy na ex-BF? Papaano kung muli siyang balikan at suyuin ni Gerald at mangakong magbabago na?

Ito ang tanong ngayon ng mga fans ni Bea na nagmamalasakit sa kanya at nakikisimpatya sa kabiguan niya sa pag-ibig. Papaano raw kung magpaawa effect si Gerald at sumumpang lalayo na kay Julia Barretto basta tanggaping muli ni Bea?

Pero ang advise ng marami kay Bea, kapag likas nang babaero ang isang lalaki at paulit-ulit na niyang ginagawa ang pang-iiwan sa karelasyon kapag nagsawa na, tiyak na hindi pa ito seryoso sa lara­ngan ng pag-ibig.

Ang ganu’ng klase raw ng lalaki ay immature pa at hindi kasama sa plano nito ang pagpapakasal. Eh, si Bea, nasa right age na at handa nang magpakasal.

Allergic at takot pa si Gerald sa kasal at hindi ito ang kanyang top priority. Maaaring isa ito sa mga dahilan kaya umiwas na siya kay Bea at kaya nag-ghosting muna siya at naghanap ng ibang babae na hindi nagdi-demand ng ser­yosong relasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page