Driver dedbol sa aksidente
- Pabs Hernandez III
- Aug 13, 2019
- 1 min read
LA UNION—Isang driver ang namatay at sugatan naman ang rider nang aksidenteng magkabanggaan ang minamaneho nilang tricycle at motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Payocpoc Sur, Bauang.
Kinilala ang nasawi na si Gilbert Fabro, driver ng tricycle, samantalang, ang sugatan ay si Philip Soriano, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, kapwa umano mabilis ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Fabro at motorsiklong minamaneho naman ni Soriano kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Fabro.





Comments