top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

DARAAN BA SA BUTAS NG KARAYOM ANG BACOLOD VS. STRIKERS SA MPBL?

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2019
1 min read

MAGPAPATATAG ang Bacoor lalo na at idaraos ang laban sa kanilang balwarte kontra Bacolod ngayong Martes ng gabi sa Strike Gymnasium at inaasahang tutuntong sila sa solong 2nd spot ng Southern Division ng MPBL Lakan Season.

Nakapagwagi ang Strikers ng pito sa siyam na laro at kalahati ng game na nauna sa Southern Division Champion Davao Occidental Tigers. Pinapaboran sila laban sa Bacolod-Master Sardines na kanilang haharapin ng 8:30 p.m. sa main game. Napakahirap na pagsubok ito sa Bacolod na ngayon ay nasa 12th spot ng Southern Division na may bitbit na 3-6 win loss slate.

Ang koponan ay galing pa sa nakadidismayang pagkatalo sa Caloocan Supremos at mapapalaban nang husto kontra Strikers, pero pinatunayan din naman ng Bacolod na kaya nilang makapagwagi kontra sa nakaraan nilang mga kalabang powerhouse squads ng liga tulad ng panalo sa Zamboanga at Muntinlupa. Apat na team din ang nakatakdang magsagupa. Sisikapin ng Quezon City at Imus na magbalik sa winning streak sa salpukan nila ng 6:30 p.m. habang ang General Santos City at Navotas ay babanat ng 4 p.m. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page