Aktor, bukod sa 'di masakyan sa pagiging weird… ELLEN, TYPE MAG-SHOWBIZ ULI, AYAW NI JOHN LLOYD


INIINDA nang husto ni John Lloyd Cruz ang sinapit ng relasyon niya kay Ellen Adarna. Balitang nagpunta sa Vietnam ang aktor para makapagmuni-muni. And hopefully, pagbalik niya, kahit paano’y maibsan ang bigat na nararamdaman.
Hindi naman kasi basta relasyon lang ang nasira sa kanila ni Ellen, if true ang mga bali-balitang hiwalay na sila. May anak sina Lloydie at Ellen na maaapektuhan sa desisyon na gagawin nila pagdating sa kanilang relasyon.
Ayon sa aming source, bukod sa pagiging “weirdo” raw ni Lloydie na ‘di matanggap ni Ellen, may isa pang matinding dahilan ng madalas nilang pag-aaway. Diumano, type ni Ellen na bumalik sa showbiz, pero tutol na tutol daw si John Lloyd.
Hindi naman siguro tutol si Lloydie kung bumalik sa showbiz si Ellen kasi sa mundong ‘to naman sila nagkakilala. Baka naman ang kay Lloydie, puwede siyang bumalik sa showbiz pero ‘wag muna ngayon dahil baby pa si Elias.
More than anything, mas kailangan pa si Ellen ni Baby Elias. At kahit ‘di naman siya mag-artista, kering-keri naman silang buhayin ni Lloydie. And knows naman ng marami na can afford din si Ellen kahit ‘di magtrabaho.
At hirit naman ng aming source, “Bakit meron ba siyang career na babalikan sa showbiz?”
Salbahe.





Comments