top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Tipid nga, besh, 50-50 ka naman... MARGARINE, NAKAKASAKIT SA PUSO, obesity, cancer, arthritis, kidne

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa atin ang nahihilig kumain ng butter, pero dahil may kamahalan ito, du’n tayo sa mas mura — margarine.

Madalas, sinasabi ng ilang doktor na ang heart healthy alternative sa butter ay ang margarine dahil low-fat daw ito, pero totoo nga ba?

Ayon sa registered nurse na si Dina-Marie Oswald, ang margarine ay gawa sa hydrogenated vegetable oil (animal fats na hinaluan ng emulsifiers), asin, artificial vitamins, coloring at iba pang ingredients. Ang hydrogenation ay ang proseso para gawing solid ang liquid vegetable oil. Sa ganitong paraan, tumataas ang oil saturated fat content na nakapagpo-form ng unhealthy trans fat.

Para lubos nating maunawaan, ano ba ang history ng margarine?

Taong 1869 nang ginawa ito ni Hip­polyte Mege-Mouries, Frenchman, bilang substitute sa butter na ipinag-utos ni Em­peror Louis Napoleon III. Gumamit siya ng margaric acid, isang uri ng satu­rated fatty acid at iba’t iba pang kemikal kung saan 27 states ang nagbawal sa pagma-manufacture at pagbebenta ng colored margarine habang 26 ang nag-require ng lisensiya na kung walang maipakikita ay ire-restrict ang sales nito. Ngunit, dahil sa advertising at new packaging, nananatili ang bentahan nito.

Anu-ano ang katotohanan tungkol sa margarine?

1. NAGTATAGLAY ITO NG MATAAS NA BAD FATS. Tulad ng unang nabanggit, ang margarine ay gawa sa ve­getable oil tulad ng soybean oil, canola oil, sunflower oil at iba pa. Ang vegetable oil ay gawa sa polyunsaturated fats o PUFAs. Sey ng Sports Nutrition Specialist na si Alex Fergus, kapag nakain o nainom ang PUFAs, nakapagdudulot ito ng iba’t ibang problemang pangkalusugan tulad ng car­dio­vascular disease, obesity, cancer at arthritis!

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Harvard School of Public Health sa Boston, napatunayang ang trans fatty acid na taglay ng margarine ay nakapagpapataas ng risk ng heart attack.

2. PINATATAAS NITO ANG CHOLESTEROL SA KATAWAN. Sey ng Academy of Culinary Nutrition, pinatataas nito ang bad cholesterol ha­bang pinabababa ang good cholesterol ng katawan. Ang artificial antioxidants din na taglay nito ay isa sa mga dahilan ng chronic inflammation na maaaring magdulot ng heart disease. Gayundin, ito ay nakapagdudulot ng thyroid at kidney problems.

3. PINAHIHINA NITO ANG IMMUNE SYSTEM. Ayon kay Dr. Mary Enig, nutritionist at biochemist, ang trans fatty acids ay nagpapababa ng immune response. Bukod sa trans fatty acid na taglay ng margarine, punumpuno rin ito ng artificial ingredients at synthetic vitamins. Dahil pina­tataas ng trans fats ang blood insulin level, nagiging prone sa diabetes ang taong mahilig sa margarine, naku!

Now we know, mga ‘tol! Kaya sa mahihilig kumain ng margarine, say ng mga expert, mas oks daw ang butter, pero siyempre, hinay-hinay lang, okay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page