top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

MAY TSANSA BANG MAKABAWI ANG LASHES AT HAZCHEM?

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 12, 2019
1 min read

MAGTATANGKANG bumawi mula sa natamong kabiguan sa kani-kanilang ikalawang laban upang manatili sa ikalawang puwesto sa Group A ang mga baguhang koponang Asia’s Lashes at Hazchem sa pagsabak nila ngayong hapon sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.Unang sasalang ang Asia’s Lashes sa pambungad na laro ng nakatakdang triple header kontra Nailtalk-Savio sa ganap na 1:30 p.m. Susunod ang Hazchem na haharapin ang iWalk sa ikalawang laban ng 3:30 p.m. bago ang huling salpukan ng 5:30 p.m. sa pagitan ng mga Group B teams—Hyperwash at Alberei.

Magkasalo sa ikalawang posisyon ng Group A ang Hazchem at Asia’s Lashes taglay ang patas na markang 1-1, panalo-talo kasunod ng mga namumunong Centro Escolar University at Marinerong Pilipino na kapwa may malinis na markang 2-0.Sa kampo ng mga katunggali, parehong magsisikap makapagtala ng kani-kanilang unang panalo ang Nailtalk at iWalk. Nakakadalawang talo na ang una habang bigo din sa unang laban nito ang huli noong Agosto 1 sa kamay ng AMA Online Education, 92-110.Nabigo ang Asia’s Lashes noon ding Agosto 1 sa kamay ng CEU Scorpions, 77-107 habang natalo ang Hazchem sa Skippers noong Agosto 5, 71-118. Gaya ng McDavid, parehong winless matapos ang kani-kanilang unang dalawang laro sa Group B, mag-uunahang makapasok win column ang Hyperwash at Alberei. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page