MAI-2-2MBA NG BEERMEN, O ITUTULOY NG KATROPA?


NAKATABLA sa 2-2 serye ang San Miguel Beer matapos nilang pagulungin ang TNT KaTropa 106-101 sa Game 4 sa PBA Commissioner”s Cup best-of-seven finals kagabi sa Araneta Coliseum. Kumayod si import Chris Mccullough ng 27 points at 22 rebounds para sa San Miguel Beer. Umarangkada agad ang Beermen sa first quarter, lumamang sila ng siyam na puntos, 31-22. Pero uminit ang opensa ng KaTropa sa second quarter, naagaw nila ang abante, 52-51 sa halftime.
Muling tumikas ang laro ng San Miguel sa third, nabawi nila ang bentahe, 82-69 papasok ng fourth period.
Samantala, pinangalanan si TNT KaTropa veteran Jayson Castro bilang Best Player of the Conference para sa 2019 PBA Commissioner’s Cup habang Best Import si Terrence Jones.
Tinanggap ni Castro ang award bago simulan ang Game 4 ng best-of-seven Finals kagabi kung saan pakay sana ng TNT ang 3-1 series lead kontra San Miguel Beermen.
Ito ang ika-5 BPC trophy ni Castro sa kanyang PBA career. Napagwagian niya ang ang award noong 2012-2013 sa Philippine Cup, 2014 Commissioner’s Cup, sa 2015 Commissioner’s Cup, at sa 2016 Governors’ Cup. Si “The Blur,” ay dalawang beses nang naparangalan sa all-tournament team sa IBA Asia Championship, ay may averaged na 14.7 points, 6.0 assists, at 5.3 rebounds per game sa semifinals. Pumalaot ang KaTropa sa elimination round, nagtapos sa 10-1 win-loss record upang magsilbing top seed.
Tinalo ng 33-anyos na si Castro si JuneMar Fajardo ng San Miguel Beer at si rookie trio ni Robert Bolick (NorthPort), CJ Perez (Columbian Dyip), at Ray Parks Jr. (Blackwater Elite) para sa award. (ATD)
Laro sa Miyerkules: (Araneta Coliseum) 7:00 p.m. - TNT vs San Miguel Beer





Comments