Mag-utol, tuloy ang giyera… GHOST BUSTER GRETCHEN VS. GHOST WRITER MARJORIE, WAR SA GHOST MONTH

Nitz Miralles / BIDA

Tinawag na “Instagram bio feud” ang pasaringan nina Marjorie Barretto at Gretchen Barretto na parehong pinalitan ang profile nila sa IG.
Naunang nagpalit ng IG profile si Marjorie at isinulat ang “Ghost Writer” na ang basa ng mga netizens, pasaring kay Gretchen na nag-post na nag-hire ng ghost writer si Julia Barretto at ang kampo nito para gawin ang statement na inilabas ni Julia.
Tinapatan ni Gretchen ang “Ghost Writer” IG profile ni Marjorie ng “Ghost Buster”. Ayun, pinasaya ng Barretto sibling rivalry ang Sunday ng mga netizens. Bagay na bagay daw sa ghost month this August.
Hinihintay ngayon kung susunod si Claudine Barretto sa dalawa niyang ate at palitan din ng may salitang “ghost” ang IG profile niya. Remember, magkakampi sina Gretchen at Claudine at Team Bea sila pareho.





Comments