Kumalat online, escort girl sa mga VIP… JACKIE RICE, P2 MILYON ANG TF SA 3 ORAS LANG
- BULGAR

- Aug 12, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

TINATAWANAN na lang ng Kapuso actress na si Jackie Rice ang alegasyong siya ay isang ‘escort girl’ kung saan kumikita siya ng P2 M sa bawat booking.
Kasama raw kasi ang pangalan ng actress sa website ng ‘escort service’ na ang mga parokyano ay pawang ‘VIP members.’
Si Jackie pa mismo ang nag-post ng screenshot ng website kasama ang mga nakalathala niyang pictures.
Ang nakalagay na profile niya sa nasabing ‘escort service’ ay “Filipina actress. Willing i-offer ang ‘services’ sa VIP members.”
Nakasaad din doon na P2 million ang “rate” ni Jackie kada “3 Hours - 2 pops.”
Dahil wala namang katotohanan ang ibinibintang sa aktres, naglagay mismo si Jackie ng pabirong caption, “Please check their site and book me now.”
Nag-viral ang isyu tungkol kay Jackie, kaya pabirong sinabi ng Kapuso actress, “Masyado akong trending! Magpapataas na ako sa P2M.”








Comments