KEEN ALISHA, LIYAMADO

MAGANDA ang ibinigay na dibidendo ng Winner Take All (WTA) nitong Sabado sa pagkakapanalo ng Keen Alisha at Rico Mambo sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Naging maganda ang naging pambungad sa WTA na nagsimula sa Race 2 kung saan nanalo ang Keen Alisha at sinundan ng pagkapanalo ng Queensboro sa Race 3 na sinundan ng isang pangliyamado na si Daginding sa Race 4. Gumanda lalo nang manalo ang Rico Mambo matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban sa Race 5.
Nagpista ang mga nanalo na tumaya sa Race 6 kay Cerveza Rosas nang talunin ang mga kalaban nito. Nasundan pa ng dehado sa pagkakapanalo ng Born Unto Battle sa Race 7 at sinundan pa ng pagkapanalo ng Shadow of the Sun. Nagbigay ng P20,860 bilang dividendo sa WTA, P3,186.20 sa Pick 6 at sa Pick 4 ay P411.20.
Samantala, may dividendo sa 1st Pick 5 na P262.20 at sa 2nd Pick 5 ay naghatid ng dividendo na P703.80.
MMTCI Karera Resulta, Sabado, August 10,2019; Race 1 – Helushka (2) Finish: 2/9/1/4/3/6 P5.00 WIN (2) P5.00 P5.00 FC (2/9) P6.50; P2.00 TRI (2/9/1) P8.60; P2.00 QRT (2/9/1/4) P15.00; P2.00 PEN (2/9/1/4/3) P138.80; P2.00 SIX (2/9/1/4/3/6) P595.20
Race 2 – Keen Alisha (10) Finish: 10/7/4/8/9/6; P5.00 WIN (10) P18.50; P5.00 FC (10/7) P64.00; P2.00 TRI (10/7/4) P62.20; P5.00 DD (2/10) P19.00; P2.00 QRT (10/7/4/8) P347.00; P2.00 PEN (10/7/4/8/9) P5,059.60; P2.00 SIX (10/7/4/8/9/6) P11,752.80.





Comments