Kapayapaan at pagkakaisa sa paggunita ng Eid al-Adha


LIBU-LIBONG Muslim ang nakiisa sa paggunita ng Eid al-Adha.
Ang Eid al-Adha ay holiday sa Islam na gumugunita sa sakripisyo ni Abraham bilang pagsunod sa utos ni Allah.
Kaugnay nito, kapayapaan at pagkakaisa ang laman ng kanilang dasal.
Sa pangunguna ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) interim Chief Minister Murad Ebrahim, ipinagdasal ng mga Muslim ang umano’y patuloy na pakikipaglaban para makamit ang good governance sa bagong tatag na rehiyon.
Habang sakripisyo naman para kay Allah ang laman ng mensahe ni Bangsamoro Grand Mufti Abu Hurairah Udasan.
Matatandaang, niratipika noong Enero ang Bangsamoro Organic Law na nagbigay-daan sa pagbuo ng bagong rehiyon na BARMM.
Tayo rin ay nakikiisa sa paggunita ng Eid’l Adha o Festival of Sacrifice.
Maituturing na isa sa mga halimbawa ng malalim na pananampalataya ang pagkukusa ni Abraham na ialay ang buhay ng kanyang anak para sundin ang kautusan ni Allah.
Samantala, magkakaiba man tayo ng relihiyon at paniniwala, nawa’y patuloy na maging iisa sa pamamagitan ng pagbibigay-respeto, kapayapaan at pagmamahalan bilang mga Pilipino at bilang tao.





Comments