top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit masyonda na... MISTER NA LILIGAYA AT SUSUWERTEHIN ‘PAG PINAGANDA ANG PIRMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Sa edad kong 59, may pag-asa pa kaya akong suwertehin? Mula pa nang bata ako, mahirap na kami at ngayong may mga anak at apo na ako ay ganu’n pa rin.

Naaawa ako sa mga anak at apo ko dahil narara­nasan nila ang kahirapan na dinanas ko. Ano ang dapat kong gawin para gumanda ang aking kapalaran?

Sana, mapayuhan ninyo ako upang umunlad at suwertehin ako kahit matanda na ako. July 24, 1960 ang birthday ko.

Umaasa,

Arnulfo ng Bagbag, Novaliches, Quezon City

Dear Arnulfo,

“Tempus fugit, memento mori” – salitang Latin na nagpapaalala sa bawat isa na mabilis na lumilipas ang panahon at alalahanin mo sa bawat saglit ang iyong pagtanda at kamatayan.

Ngayong moderno na ang teknolohiya, bagama’t, mararamdaman mo na mabilis lumipas ang panahon at oras, mabagal ang ating pag-unlad para pagbutihin ang ating buhay upang magkaroon ng asensado at mas maligayang karanasan.

Ito ang malaking problema ng mga pangkaraniwang tao, umuusad nang mabilis ang panahon at nagkakaedad tayo. Tulad mo, Mang Arnulfo, medyo may edad ka na, ngunit, ang malungkot na katotohanan ay hindi mo pa rin alam kung paano ka susuwer­tehin sa buhay, kung paano mo maaabot ang iyong mga pangarap at kung paano uunlad.

Mahalaga na habang bata pa ay nag­papaanalisa ka na ng iyong kapalaran upang malaman mo ang mga kahinaan na dapat baguhin at mga positibong ka­tangian na dapat paunlarin. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung paano ka mamalasin at susuwertehin sa buhay.

Halimbawa, isa kang Leo at dapat ay sikat ka sa iyong career tulad ng artista o pulitiko kung saan palaging nasa lime­light ang buhay mo. Sa ganu’ng paraan ka uunlad, magtatagumpay at magiging maligaya.

Isa pang tipikal na pampasuwerte sa taong Leo ay ang singsing na gold. Dahil ang Leo ay nasa planetang Sun, magsuot ka ng singsing na gold na pinalamutian ng batong sardonyx, gayundin, bagay sa iyo ang batong ruby at dapat ka ring magsuot ng kulay dilaw na siyang kulay ng planeta mo.

Kung ang birth date mong 24 o 6 (2+4=6) ang tatanungin, bagay at tugma rin sa kapalaran mo na ikaw ay susu­wertehin sa kulay pula o red. Isuot mo ang red tuwing sasapit ang mga petsang 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 9, 18 at 27 higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, habang isuot mo naman ang kulay na dilaw tuwing sasapit ang mga pet­sang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29.

Ayusin mo rin ang iyong lagda kung hindi ito ma­ganda. Halimbawa ng hindi magandang lagda ay ‘yung binaboy o binurara, gayundin ang pirma na ibina­ba­likwas sa direksiyong pakaliwa ang strokes o dulong buntot o ang paa ng mga letra ay ibinalik sa direksiyong pakaliwa.

Ang magandang lagda ay klaro at malinaw ang pagkakasulat. Madiin, nababasa ang salita, may ka­tamtamang laki ang letra at mabilis na isinulat. Dapat ding patungo sa kanan ang lahat ng strokes.

Sa ganyang lagda, mare-realize ng iyong isipan at unconscious-self na ikaw ay nasa tamang landas na ng tagumpay upang mas madali nang makamit ng iyong pagkatao ang magagandang kapalarang inilaan ng tadhana sa iyo.

‘Yan muna ang iyong gawin at makikita mo, sa sandaling nasunod ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, kahit medyo may edad ka na, ayon sa Decadens ng Kapalaran, sa pagpasok ng taong 2021, sa edad mong 61 pataas, susuwertehin ka na at uunlad, mag­tatagumpay at habambuhay na magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page