De lima, pinalagan si Mayor Isko sa pagharap sa mga adik sa preskon, sinupalpal
- BULGAR
- Aug 12, 2019
- 1 min read
DILAWAN, TIYAK NA NAGNGINGITNGIT SA PAGBASURA SA P102-B FORFEITURE CASE SA PAMILYA MARCOS—Ibinasura ng Sandiganbayan ang P102 billion forfeiture case na isinampa ng PCGG laban sa Pamilya Marcos at mga crony nito.
Dahil nakaiskor sa kasong ‘yan ang Pamilya Marcos, asahan nang nagngingitngit sa inis ang mga Aquino at dilawan, boom!
◘◘◘
KAPAG DINEDMA ANG HIRIT NI P-DUTERTE, PALAYASIN SA ‘PINAS ANG CHINESE AMBASSADOR—Sakaling dedmahin ni Chinese Pres. Xi Jinping ang ihihirit sa kanya ni P-Duterte na kilalanin ang arbitral ruling ng United Nations (UN)-Permanent Court of Arbitration, isa lang ang dapat gawing resbak ng Philippine gov’t.
Ito ay palayasin sa Pilipinas si Chinese to the Philippines Ambassador Zhao Jianhua, period!
◘◘◘
SEN. DE LIMA, SUPALPAL ANG INABOT KAY MAYOR ISKO—Supalpal ang inabot ni Sen. Leila de Lima kay Manila Mayor Isko Moreno sa isyu ng human rights.
Inupakan kasi ni Sen. De Lima si Mayor Isko na kesyo labag daw sa karapatang-pantao ang pagpaparada sa presscon ng mga nahuling drug suspects na agad namang tinugon ng alkalde na mas mahalaga sa kanya ang karapatang-pantao ng mga ordinaryo at inosenteng mamamayan ng Maynila na nabibiktima ng mga adik at tulak ng iligal na droga, boom!
◘◘◘
BAKA DUMAGSA SA PCSO ANG MGA EX-GENERAL NA KUKUHA NG STL FRANCHISE—Wala raw problema kay P-Duterte na kumuha ng STL franchise sa PCSO ang mga ex-general para ibigay sa mga kakilala o kaibigan nilang nais pumasok sa negosyong gambling.
Dahil d’yan, asahan nang daragsa sa PCSO ang mga ex-military at police general para kumuha ng STL franchise, boom!
Comments