After binitbit abroad… ANDREA, NAIPAKILALA NA NI DEREK SA PAMILYA
- BULGAR

- Aug 12, 2019
- 1 min read

BUNTIS si Andrea Torres at ito ang shocking news para sa mga avid viewers ng The Better Woman. Tiyak na hindi ito katanggap-tanggap sa mga nakikisimpatya kay Jasmine, ang kakambal ni Juliet (na parehong ginagampanan ni Andrea) dahil mas magiging kumplikado ang sitwasyon.
But, in real life ay hindi nga pupuwedeng mabuntis si Andrea dahil may mga commitments pa siyang dapat tapusin, kahit na nababalita pang super sweet sila ngayon ni Derek Ramsay na leading man niya sa The Better Woman.
Wala pang inaamin sa kanilang relasyon sina Derek at Andrea, although base sa kanilang mga ikinikilos, makikitang super sweet na silang dalawa. In fact, naipakilala na nga ni Derek si Andrea sa kanyang pamilya at kapag may sport competition ang aktor abroad, lagi niyang isinasama ang leading lady.
Marami naman ang boto sakaling mauwi sa totohanan ang relasyon nilang dalawa. Maraming bagay ang kanilang pinagkakasunduan at perfect sila para sa isa’t isa. Pareho rin silang mapagmahal sa kanilang pamilya.
Pati ang malalapit na kaibigan ni Derek, ang wish ay matagpuan na ng aktor ang kanyang ideal life partner, ‘yung babaeng makakasama na niya forever. Hopefully, si Andrea Torres na nga ‘yun!





Comments