Notoryus na karnaper, timbog
Pabs Hernandez III
Aug 11, 2019
1 min read
TARLAC—Isang notoryus na karnaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Lubigan, San Jose.
Ang suspek ay kinilalang si Jerold Lodovico, nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Lodovico sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments