Mga iligal noon, puwede na ngayon?!


”Well, basta kung bigyan kayo, eh, tanggapin ninyo. It is not bribery — it cannot be bribery because it is allowed by law. What I mean if there is generosity in them, sabi ng anti-graft, you cannot accept gifts. Kalokohan ‘yan,” ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis.
Puwede na raw tumanggap ng regalo ang mga tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa pangulo, ito ay kung kusang ibinigay ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol.
Paliwanag pa ni Pangulong Duterte, magiging iligal lamang ang pagtanggap ng regalo kung ito ay hiningi o kapalit ng isang pabor, pero kung ito ay bilang bahagi ng pasasalamat ay ayos lang daw at walang masama rito.
Bagay na taliwas sa nakasaad sa Section 7 of Republic Act 671 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pagtanggap ng regalo ng mga opisyal ng pamahalaan.
Kung aprub sa pangulo ang pagtanggap basta regalo, paano makasisiguro na hindi ito suhol?
May paraan ba para matiyak na wala nga itong kapalit?
Hindi kaya para itong iligal na ginagawang legal?
Tulad din ng pagtanggap ni Pangulong Duterte sa video karera. Kulang daw ang dobleng-sahod ng mga pulis kaya okay lang na gawin itong sideline.
Ibig sabihin ba nito, balewala na ‘yung ginawang pagdurog sa mga video karera na sa simula pa lang ay alam naman nating bawal?
Tulad ng nauna nating tanong, ang mga iligal noon, gagawin na bang legal ngayon?





Comments