Kaya paulit-ulit na inayawan… HERBERT, AYAW NANG MAGPAGAMIT KAY KRIS


TAMA lang naman ang ginawang pagtanggi ni Herbert Bautista na mag-cameo role sa pelikulang K(Ampon) at hindi dapat ma-offend si Kris Aquino.
Unang-una, tahimik na ang buhay ni Bistek at ayaw na niya na muling pagpiyestahan pa ng publiko ang personal niyang buhay.
For sure, kapag nakasama si Herbert sa MMFF movie nina Kris at Gabby Concepcion, magagamit na naman siya sa publicity stunt. At ‘yun ang iniiwasan nang mangyari ng dating mayor ng Kyusi.
Masaya na si Herbert sa kanyang private life kapiling ang kanyang mga anak, at ‘yun ang dapat nang tanggapin ni Kristeta. Hindi lahat ay puwedeng mangyari kapag ginusto niya.
At dapat ding hangaan at irespeto ni Kris ang pagtanggi ni Derek Ramsay sa K(Ampon) kahit na todo-pakiusap pa siya. Committed si Derek sa GMA Network dahil may kontrata ito. Kaya, priority niya ang The Better Woman na ibinigay sa kanya.
Kahit na siguro malaking talent fee ang i-offer ng Quantum Films kay Derek, hindi ito basta masisilaw dahil may pagpapahalaga siya sa kanyang commitment sa GMA-7.
At kahit na 15 yrs. na silang magkaibigan ni Kris, hindi niya isusugal ang kanyang kredibilidad at integridad mapagbigyan lang si Kristeta. Mature na si Kris. Dapat alam niya ito.





Comments