Horoscope | Agosto 11, 2019 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Aug 11, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 11, 2019 (Linggo): Kabilang ka sa mga mapapalad na nilalang. Ibig sabihin, kahit hindi ka gaanong magsikap, may mga suwerteng magdaratingan sa buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo. Hindi maganda sa tao ang sobrang seryoso. Ang sukatan ng tagumpay ay naibabase sa saya na nadarama mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-28-33-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong yakapin ang lungkot. Kailangang makawala ka rito. Walang sarap na mararamdaman sa kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-27-33-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi nabubuhay ang tao nang dahil lang sa materyal na bagay. Ang bumubuhay sa tao ay saya at ligaya. Ang walang saya ay mawawalan ng gana na magpatuloy pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-27-31-35-37.
CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo. Sasabihin mo nang palihim na ang langit na ang bahala sa iyo. Nakikinig ang Diyos kaya kikilos Siya para pagandahin pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-39-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magkamali ka man ng pagkilos, magbubunga pa rin ito ng maganda dahil noon pa nagpasya ang langit na hindi Niya papansinin ang iyong mga kamalian at pagkukulang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-15-16-20-24-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisimula ng gumanda ang mga pangyayari sa buhay mo. Kahit pa magpumilit ang mga kontrabida sa buhay mo, hindi na nila ito mahahadlangan pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-15-24-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin at sasabihin nito sa iyo na hindi lang maganda ang hitsura mo kundi maganda rin ang magiging kapalaran mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-14-28-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansinin mo ang lalagyan, nadaragdagan lang ito kapag may paglalagyan pa. Ito ay nagsasabing, magbawas ka nang sa gayun ay madagdagan ang iyong buhay ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-17-20-25-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanap ka at makakakita ka. Walang magandang mangyayari sa ayaw gumalaw. Sa paghahanap, ang mga bagong oportunidad ay namamataan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-26-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadalawin ka ng suwerte. Hindi mo man ito aktuwal na makaharap ay tiyak na makikipag-ugnayan ito sa iyo. Ito ay letra-por-letra na mangyayari sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-26-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magulat kapag sinuwerte ka nang dahil sa mga pagkilos ng iyong mga kaaway at karibal. Ang totoo nga, mahirap nga lang paniwalaan na sila mismo ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-15-27-21.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa masaya at sasaya ka. Paano kung dumikit ka sa may magandang kapalaran? Dapat alam mo na ang kasagutan, gawin mo na ito kaagad. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-19-24-28-37.




Comments