13 patay sa landslide sa myanmar
TODAS ang 13 katao matapos ang landslide sa Myanmar.
Natabunan ang 16 bahay sa eastern Myanmar dahil sa ilang araw ng walang tigil na pag-ulan.
Bukod sa mga nasawi, dinala sa pagamutan ang 27 katao na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Maraming residente ang lumikas sa Thae Pyar Kone.
Gayundin, maraming lugar ang lubog sa baha dahil sa pag-apaw ng tubig sa bayan ng Shwegyin sa Bago Region.
Patuloy pa rin ang ginagawang rescue operations ng mga awtoridad.





Comments