PATUTUNAYAN NG GILAS NA KAYA ANG ITALYA


ISANG malaking hamon sa men’s national team ang naging komento ni President Rodrigo Duterte noong Martes nang sabihin nitong nagdududa siya sa magiging tsansa ng Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Sa pagsasalita sa grupo ng Filipino-Chinese businessmen sa Malacañang, sinabi ni P-Duterte: “Wala, talo tayo, walang laban. Sa China na lang tayo magpusta. We will lose to Italy. Ang lalaki kaya ng mga gag*ng ‘yan.” Mas naniniwala si P-Duterte na may tsansa ang Gilas sa Angola. “Angola ito, puwede natin ilibing ng buhay,” aniya.
Ang Pilipinas ay nasa Group D kasama ng Italy, Angola, at Serbia na ang dalawang top two teams ay aabanse sa second phase ng World Cup.
Sa panayam ng CignalTV, hindi naman daramdamin ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang komento ni P-Duterte na pinuna na rin ng marami sa social meda. “Well it doesn’t really bother us, no. I guess you just have to take that from a positive point of view. Your attitude should be positive. We should be able to just keep believing in ourselves,” ani Guiao, na kasama ng national team sa Spain para sa training camp.
Sa halip na sagutin ang pagdududa ng Pangulo, sinabi ni Guiao na isang malaking paghamon ang sinabi ng Chief Executive. “Pinakamagandang approach diyan is, look at it as a challenge, just keep believing in what you can do,” aniya. “Whether we win or we lose, it’s really the way you carry yourself, the way you put out a good performance. And who knows what can happen?” (MC)





Comments