MATA LANG ANG WALANG LATAY NG THAI FIGHTER KAY MAGSAYO


DUDURUGIN daw ni Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang veteran fighter na si Panya Uthok ng Thailand sa sagupaan nila sa “Pride of Bohol” ng Boxing Promotion na gaganapin sa Bohol Wisdom Gymnasium sa Tagbilaran, Bohol sa Agosto 31.
Hawak ng Pinoy fighter ang malinis na 19-0 record at may 14 knockouts din. “Handang-handa na ako sa laban na ito. Pipilitin ko talagang manalo para sa mga kababayan ko sa Bohol,” saad ni Magsayo sa kanyang pagsasalita sa 34th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros noong Huwebes. “I’m really happy to be given the chance to fight again in front of my townmates, kaya talagang puspusan ang paghahandang ginagawa ko.”
Dalawang taon nahinto sa kanyang career si Magsayo dahil sa umano’y hindi nila pagkakaintindihan ng dati niyang promoter na ALA Promotions. Pero pagbalik niya noong Abril, pinabagsak niya si Erick Deztroyer ng Indonesia sa Singapore. “Everything is okay now. Sila talaga ang nag-alaga nang husto kay Mark, pero tapos na ‘yung kontrata at hindi na na-renew. Nagpaalam naman sa kanila (ALA Promotions) si Mark. And now he’s fighting under Vladimir Boxing Promotions,” pahayag ng asawa ni Magsayo na si Frances, nagsisilbi na ring manager ng boksingero.
Bukod sa mag-asawang Magsayo, bisita rin sa Usapang Sports na ipiniprisinta ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association si Games and Amusement Board (GAB) Boxing and Other Contact Sports officer-in charge Jackie Lou Cacho. (MC)





Comments