top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Libro para sa kaalaman sa pagbabayad ng tax, for sale na!

  • Thea Janica Teh
  • Aug 10, 2019
  • 1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Responsibilidad ng bawat Pinoy na magbayad ng buwis. Ngunit, may ibang hindi maunawaan kung saan ito napupunta at kung paano ito nakukuha o anong klase ng buwis ang ating binabayaran.

Kamakailan lamang ay nag-launch ang The Asian Consulting Group (ACG), ang pinakaunang tax hub para sa SMEs sa Asia-Pacific, ng libro na tumatalakay sa pagba­bayad ng buwis o “Iwas Buwis-it: What to Do when Tax Attacks”. Ito ay magazine-style at isinulat ng founder ng ACG at Philippine Tax Whiz Mon Abrea. Siya ang newly appointed co-chair ng Ease of Doing Business (EODB) Task Force on Paying Taxes, ang founding president ng Center for Strategic Reforms of the Philippines, Inc. (CSR Philippines) at official Think Tank ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi lang ‘yan, siya rin ang nagsulat ng “Got A Question About Taxes? Ask The Tax Whiz!” na mula sa non-profit organization Center for Strategic Reforms of the Philippines.

Mula sa mga naunang publikasyon, ang adbo­kasiya ng Iwas Buwis-it ay maipamahagi sa bawat taxpayer ang kaalaman sa buwis at kung paano maiiwasan ang mga unnecessary violation. Bukod pa rito ay naglilibot din ang ACG sa buong Pilipinas para makapagbigay ng seminar at consultation.

Ibinahagi ni Mon Abrea na maraming Pinoy ang takot sa buwis, ngunit, kahit anuman ang gawin natin ay hindi natin ito maiiwasan at kailangan natin itong bayaran.

Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang kanilang website sa consult@ acg.ph o tumawag sa 622-7720.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page