top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Gayahin mo na lang daw ang Kapuso singer, Bea… JULIE ANNE, TAHIMIK LANG, 'DI NAGPAAWA SA PUBLIKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2019
1 min read

KUNG marami man ang nakikisimpatya ngayon kay Bea Alonzo dahil sa pang-iiwan sa kanya sa ere ng ex-BF na si Gerald Anderson, marami naman ang nagpapayo na mag-move on na siya at huwag nang iyakan ang isang lalaking walang kuwenta at hindi worth it para sa kanyang pagmamahal.

Tutal naman ay nailabas na niya ang lahat ng kanyang sama ng loob sa aktor, sapat na ‘yun upang makaganti sa ginawang panloloko sa kanya ni Gerald. Gayahin na lang daw niya ang Kapuso singer/actress na si Julie Anne San Jose na nang makipaghiwalay kay Benjamin Alves ay hindi na nagbigay ng statement sa media, hindi na nagpa-interview o nag-post ng kung anu-ano laban sa ex-BF at sa halip ay piniling manahimik na lang at ibuhos sa trabaho ang kanyang panahon at atensiyon.

Ang pagiging busy sa kanyang career ang naging therapy ni Julie Anne upang madaling maka-move on sa kabiguan sa pag-ibig. Hindi siya nagpaawa sa publiko, hindi niya inaway si Benjamin, at hindi siya nag-self-pity. Doon hinangaan si Julie Anne ng kanyang mga kasamahan sa Studio 7. Hindi kina­kitaan ng lungkot ang singer at sa pagbirit sa mga love songs niya ibinuhos ang kanyang emosyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page