Anak, kaya raw pinahiwalay sa GF… KALAT NA: JIMUEL, NAHULI NI JINKEE NA IPINAGGO-GROCERY ANG PAMILY
- BULGAR

- Aug 10, 2019
- 2 min read

HINDI man kinumpirma o idinenay ni Heaven Peralejo ang balita na nauwi na sa breakup ang relasyon nila ni Jimuel Pacquiao, ibinahagi naman sa amin ng Kapamilya actress na marami siyang natutunan sa nangyari.
Ayon kay Heaven, mas naging bonded at malapit siya sa kanyang pamilya at mas nalaman niya ang kanyang kahalagahan o importansiya dahil sa nangyari.
Suhestiyon din niya, mas maganda kung si Jimuel na lang ang tanungin namin tungkol sa breakup dahil ito ang lalaki at baka may mas bongga itong sabihin.
Ang ipinayo raw ng ina kay Heaven, ‘pag naramdaman niya na ‘di na naibibigay ng tao ang pagpapahalaga na deserve niya ay dapat pakawalan na ito at mag-move forward na.
Sa kasagsagan ng breakup issue nila ni Jimuel, lumabas ang balita na ang ina raw ng binata ang tumutol sa relasyon ng anak kay Heaven dahil nahuli na ipinag-grocery nito ang pamilya ng aktres.
Unang siniguro ni Heaven ay naging kaibigan niya ang pamilya Pacquiao at wala silang naging problema ni Jinkee.
Dinepensahan din ni Heaven ang sarili sa paratang ng maraming netizens na isa siyang gold digger at pera ang habol niya sa binatang Pacquiao.
Ayon kay Heaven, ‘di niya tatay si Jimuel para magpabili rito ng mga mamahaling gamit. May sariling pera raw ang pamilya niya at maging siya para bumili ng mga bagay na gusto niya.
Kuwento rin sa amin ng aktres, isang mamahaling wallet lang ang naibigay sa kanya ni Jimuel bilang birthday gift at karamihan ay puro bulaklak na at ‘di materyal na bagay.
Self-love at self-worth ang mas pokus sa ngayon ni Heaven bukod sa mga proyektong pinagkakaabalahan niya tulad ng iWant series kasama si Iza Calzado at Starla kung saan siya ang gaganap bilang young Judy Ann Santos.





Comments