Sa away kay Julia dahil kay Gerald… VICE, NADULAS, BUKING NA TEAM BEA!
- BULGAR

- Aug 9, 2019
- 3 min read

MAGING si Vice Ganda ay hindi na rin nakaiwas na mag-comment sa latest showbiz issue na kinasasangkutan nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto. Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayang Gerald at Bea.
Masasabing ‘nakisawsaw’ na rin sa isyu si Vice base sa opening spiels ng komedyante sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Miyerkules (August 7).
Pasakalye ng host, “Mag-concentrate muna tayo sa mga magaganap today. At iwasan n’yo muna at tigil-tigil muna ang abang-abang sa reply ni Bea, OK?” sabay tawanan ng audience at mga hosts.
Tuluy-tuloy pa niyang biro, “Dito muna tayo. Hindi ‘yung isang buong gabi, nag-aabang kayo ng reply na ang dami ninyong napuyat.”
Ang pinagbasehan ni Vice ay ang Instagram post ni Julia noong August 6, kung saan diretsahang pinangalanan ng aktres si Bea at inakusahan ng paninira at pambu-bully.
Idinawit ni Julia si Bea sa isyu dahil hindi nito nagustuhan ang pagpo-post ng cryptic message ng aktres sa Instagram at pagla-like ng mga sinasabing “harmless photos,” kung saan makikitang magkasama sina Gerald at Julia sa isang event.
Naging trending agad sa Twitter ang kanilang mga pangalan (Julia, Bea at Gerald), na mainit na pinag-uusapan ng mga netizens.
Pinag-usapan din ang isyu sa BidaMan segment ng It’s Showtime last Wednesday, at muling humirit si Vice tungkol sa Bea-Gerald-Julia issue.
Habang iniinterbyu ang isang BidaMan contestant tungkol sa ex-girlfriend nito, biglang nakipagbatuhan si Vice ng madramang linyahan para sa isang impromptu skit.
Sey ni Vice, “Lagi kang ganyan. Pa-victim ka.
“I don’t care if you choose to be the victim. But I will never be your victim.”
Naghiwayan ang audience at saka sinabi ni Vice, “Sabi?! Chugug!”
Base sa linya ni Vice, tila spoof ito ng isang bahagi sa Instagram post ni Julia kung saan sinabi nitong hindi niya hahayaang maging biktima ng pambu-bully diumano ni Bea.
“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim,” na galing din sa mga posts ni Julia.
Isa pang BidaMan contestant na nang-“ghost” ng fiancée nito ang inusisa ni Vice.
Tinanong ni Vice ang contestant kung hindi ba nito naisip ang “sakit” na naramdaman ng fiancée nito na umasang pakakasalan niya ito at “gumising na lang isang araw na wala na ang guy at hindi na nagpakita.”
Sinagot naman si Vice ng contestant na mabait ang kanyang fiancée, pero prayoridad daw niya ang kanyang pamilya.
Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Vice na sinusubok lang niya kung gaano kagaling sumagot ang BidaMan contestant para handa na ito sa pagsagot sa press sakaling mag-showbiz ito.
Sa puntong ito, malinaw na sumagi sa isip ni Vice ang nag-trending na balita tungkol sa umano’y ginawang “ghosting” ni Gerald kay Bea.
Sey pa ni Vice, “Kaya namin ginagawa ito, we are preparing you actually. Imadyinin mo, si Gerald at si Bea, in-interview si Gerald, tapos ganyan sumagot, sa palagay mo, may manonood pa ng pelikula ni Gerald?”
Ganti naman ng contestant, “Wala na po. Sorry po.”
Habang iniinterbyu ang sumunod na contestant ng BidaMan, masayang ibinalita ni Vice na trending sa Twitter ang It’s Showtime at hindi na ang Bea-Gerald-Julia issue.
“Tayo na ang trending! Kasi kagabi, Bea, Gerald, Julia, ‘yun ang mga trending. So, naiba na muna. Pasensiya na, kami muna ang trending.”
Hindi maipagkakailang nakatutok din si Vice sa Bea-Gerald-Julia issue dahil noon palang July 31 ay nagkomento siya sa It’s Showtime na napa-marathon daw siya ng mga pelikula ni Bea na mapapanood sa Netflix.





Comments