Kelot niratrat ng mga armado
- Pabs Hernandez III
- Aug 9, 2019
- 1 min read
SOUTH COTABATO—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Alunan Avenue, Koronadal City.
Kinilala ang biktima na si Jamael Haron, tubong Maguindanao.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang sasakyan si Haron nang sumulpot ang mga suspek at agad itong pinagbabaril hanggang sa mapatay sa nasabing lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.




Comments